Petisyon
Idagdag ang Iyong Pangalan: Walang Higit sa Batas
Walang sinuman ang higit sa batas, kabilang si Donald Trump.
Ngunit ang delikadong presidential immunity na desisyon ng Korte Suprema ay naglalagay sa prinsipyong iyon sa panganib at sumasalungat sa pananagutan, tuntunin ng batas, at sa ating Konstitusyon.
Ang Kongreso ay dapat magpasa ng isang susog sa konstitusyon upang permanenteng ideklara na walang Amerikano ang higit sa batas - kahit na ang mga dating pangulo - at ipagbawal ang mga pangulo na patawarin ang kanilang sarili.
Matapos matalo sa halalan sa 2020, sinabi ni dating Pangulong Donald Trump “Hindi mahalaga kung nanalo ka o natalo sa eleksyon. Kailangan mo pa lumaban ng parang impyerno." [1]
Ito ba ay parang isang "opisyal" na akto ng pagkapangulo para sa iyo?
Ang nakakagulat na quote na ito ay nagmula sa bagong unsealed na ebidensya ni Special Counsel Jack Smith, na humahamon sa mapanganib na desisyon ng Korte Suprema sa presidential immunity at kinukumpirma ang alam natin: ang mga pangulo ay hindi dapat magkaroon ng blangko na tseke upang subukang baligtarin ang kagustuhan ng mga botante. [1]
Ngunit narito ang mabuting balita: sa suporta ng Common Cause, ipinakilala ni Rep. Joe Morelle ang isang susog sa konstitusyon na ng tuluyan ipahayag na walang Amerikano ang higit sa batas – kahit na ang mga dating pangulo – at ipinagbabawal ang mga pangulo na patawarin ang kanilang sarili. [2]
Isa itong pagkakataon para itama ang mali ng Korte Suprema. Idagdag ang iyong pangalan kung sumasang-ayon ka: Ang pagtatangkang ibagsak ang isang halalan ay hindi isang "opisyal" na gawa ng pangulo. Walang sinuman ang higit sa batas, kabilang si Donald Trump.
[1] https://www.cnn.com/2024/10/02/politics/jack-smith-donald-trump-filing/index.html
[2] https://democrats-cha.house.gov/media/press-releases/ranking-member-morelle-introduced-constitutional-amendment-prevent-immunity